Manila, Philippines – Sa abiso ng ilang mga kumpanya ng langis, asahan simula ngayong Martes, ika-3 ng Disyembre ang pagtaas sa presyo ng gasolina habang may tapyas naman ang diesel at kerosene.
Para sa presyo ng gasolina, magkakaroon ito ng dagdag-singil na P0.90 kada litro.
May tapyas naman na P0.20 sa kada litro ng diesel habang P0.40 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.
Bahagyang ginhawa ang mga paggalaw na ito para sa mga motorista kasunod ng mahigit pisong taas-presyo sa mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo.
Maiuugnay naman ang mga paggalaw na ito, partikular na ang taas-presyo, sa bawas sa produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries na pinangungunahan ng Russia.