MALA-ROAD RAGE NG DALAWANG FURBABY, KINAALIWAN ONLINE

MANILA, PHILIPPINES – Break muna tayo sa mga road rage na hindi nakaka-goodvibes at dito muna tayo eksenang tiyak na katutuwaan ninyo lalo na ang mga furparent.

Yan ang tila road rage na tagpo ng dalawang cute na cute na furbaby, matapos silang magkasalubong sa kalsada.

Parehas matapang at palaban pero ang mistulang road rage ika nga sa post ng uploader na si Kim Custodio, kinaaliwan at pinusuan online.

Kaya naman naging biruan ang tagpong yan sa comment section.

Biro nga ng iba, “baka kailangan na raw tumawag ng pulis” habang may nagsabi rin ng “tiketan na ang 2 cute na yan.

Sa ngayon ang video na yan ay umabot na sa mahigit 200k views sa tiktok.

Video Courtesy: kimcustodio1/tiktok

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this