MANILA PHILIPPINES – Gustong paimbestigahan ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. ang Bureau of Immigration kaugnay sa kwestyonableng pagpasok ng mahigit sa isang libong
chinese students na kasalukuyang nag-aaral sa Cagayan Valley kung saan may tatlong edca sites.
Sa kanyang inihaing house resolution number 1703 layong paimbestigahan sa kamara ang BI kaugnay sa mga alegasyon ng korupsyon.
Sa kanyang provilage speech kahapon, ikinabahala nito ang hindi inaasahang pagdami ng bilang ng ma chinese national na piniling mag aral sa cagayan.
Giit niya hindi lang ito basta banta sa ating educational system at national security, pati na sa integridad at katapatan ng mga ahensya ng pamahalaan.
READ: MAYOR ALICE GUO, ITINANGGING ESPIYA SYA NG CHINA
Ang tatlong EDCA sites na binabanggit ay kung saan may access ang mga sundalong Amerikano, kabilang rito ang Cagayan North International Airport sa Lal-lo at ang Camilo Osias Naval Station sa Santa Ana, kapwa sa Cagayan; at Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela.
kahina-hinala raw kasi at maanomalya “na ang mga dayuhang ito ay nakakuha ng Filipino birth certificates, driver’s license, UMID card, passports at maging accreditation at auxiliary membership sa armed services, partikular na sa Philippine Coast Guard (PCG)”.
Dapat rin anynag seryosohin ang usapin dahil hindi lamang sa ang educational system, seguridad ng bansa ang pinag uusapan kundi pati na ang integridad ng mga ahensya ng gobyerno at dpat matigil ang umanoy korupsyon sa BI.