Manila Philippines — Nagpahayag ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkapanalo ni Indian Prime Minister Narendra Modi sa eleksyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na naging sinsero ang India sa pakikipagkaibigan nito sa Pilipinas sa nakalipas na dekada.
Patunay aniya rito ang patuloy na pagpapatibay ng bilateral na relasyon at regional partnership ng dalawang bansa sa mga susunod pang taon.
“The last decade has shown India as a sincere friend to the Philippines & I look forward to the further strengthening of our bilateral and regional partnership in the years ahead,” ayon kay Marcos sa kanyang post sa X account.
Nagpasalamat naman si Modi kay PBBM at sinabing nakatuon ang relasyon ng Pilipinas at India sa pagpapalago ng strategic partnership.
Gayundin ang pagtataguyod ng kaligtasan ng mga Pilipino ang mga Indian maging ang kapayapaan sa rehiyon at stabilidad.
“We are committed to build upon the gains of the past decade in the strategic partnership between India and Philippines. These hold immense potential for the welfare of our people and to promote regional peace and stability,” sabi ni Modi sa kanyang X account.
RELATED: TEODORO TO DISCUSS TENSIONS IN WPS AT SINGAPORE DIALOGUE
May mga ibang bansa rin ang nagpahayag ng pagbati sa pagkanalo ni Modi sa election, kabilang na rito ang Estado Unidos, Russia China at marami pang iba.
Noong Marso nang inimbitahan ng Indian government si Marcos para sa state visit na ipinabatid ng Ministry of Internal Affairs sa courtesy call nito sa pangulo.
Naitatag ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at ng India noong November 16, 1949.
Nagkasundo naman ang dalawang bansa na lumagda sa Treaty of Friendship sa Manila nong July 11, 1952.