MARCOS, NANGAKONG PAUUNLARIN ANG ECONOMIC GROWTH, INT’L COOPERATION SA INDO-PACIFIC FORUM

Manila Philippines – Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makikibahagi ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng economic growth at maging sa international cooperation, sa ginanap na Indo-Pacific Business Forum sa Taguig City.

Ayon sa pangulo, mananatili aniya ang kaniyang administrasyon na pangunahan ang pagtataguyod ng pangunahing investment destination ang Pilipinas sa buong Indo-Pacific Region.

Kabilang dito ang Free Trade Agreements (FTAs) at ang Generalized System of Preference (GSP), gayundin ang pagtitiyak ng mapakikinabanga ng bansa ang mga foreign investors.

“These agreements underscore our commitment to fostering economic growth and international cooperation. With RCEP, investors can access other markets from RCEP countries by manufacturing and exporting their products from the Philippines,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati.

Mahalaga aniya para sa Pilipinas bilang isang pinakamahusay na bansa pagdating sa kooperasyon sa international community.

Ipinagmalaki rin ng pangulo ang pagsusumikap ng kaniyang administrasyon pagdating sa paglago ng economiya ng bansa.

“We are continuing to formulate transformative reforms to ensure a conducive business environment, cultivate a skilled and competitive workforce, [and] drive industrial transformation. Through these steadfast efforts, we are attracting foreign investments that are not only fueling our growth, but also broadening our economic base,” dagdag pa ng pangulo.

READ: MARCOS’ ADMIN’S ‘SPECIAL BODY’ FOR HUMAN RIGHTS GETS DIFFERENT REACTIONS

Mananatili din aniya ang Pilipinas sa pagtitiyak ng kolaborasyon, pagbabago at mga pananaw tungo sa masaganang Indo-Pacific Region.

Hinikayat din ng punong ehekutibo ang international business community na mamuhunan sa sektor enerhiya, digitalization, supply chain resilience, at technological innovation, kasabay ng pagsusulong niya ng sustainable transportation sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this