Manila Philippines — Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipinong nakabase sa Indonesia ang nasaktan bunsod ng pagsabog ng Mount Ibu, sa probinsya ng Maluku.
Base sa impormasyon mula sa Philippine Consulate General mula sa Manado City, sinabi umano ng Migrant Workers Office (MWO-SG) na mismong mga otoridad mula sa Indonesia ang nagkumpirmang walang dayuhan ang nasaktan sa pagsabog ng Mt. Ibu.
“Citing dispatches sent by the Philippine Consulate General in Manado City (PCG-Manado), MWO-SG said Indonesian authorities reported no foreigners injured after Mount Ibu on the island of Halmahera erupted violently on the evening of 18 May 2024,” ayon sa pahayag ng DMW.
BASAHIN: 41 PEOPLE DIED DUE TO SEVERE FLOODING, LANDSLIDE IN INDONESIA
Sa kabila nito, patuloy ang pagkikipagugnayan ng PCG-Monado para sa kaligtasa at kondisyo ng nasa 550 Indonesian bases OFW partikular na sa apektadong rehiyon.
Itinaas na ng Volcanological Survey of Indonesia ang Mt. Iby sa mataas na alert level mula pa noong May 16, dahil sa sundo sunod na delikadong aktibidad ng bulkan ngayong buwan.
Inilikas na ng mga otoridad ang mga residente sa pitong pamayanan na malapit sa bulkan, at pinagbawalan ang paglapit sa loob ng pitong kilometro mula sa bulkan.
Ang Mount Ibu ay isa sa mga itinuturing na pinakaaktibong bulkan sa Indonesia.
Mayroong 120 aktibong bulkan ang Indonesia.