Marikina City, Philippines – Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy (COC) ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro para sa congressional seats sa 2025 national elections para sa material representation.
Pinasinayaan ng First Division ng poll body na nabigo si Teodoro na matugunan ang isang taong kinakailangan na paninirahan upang maging kuwalipikado para sa isang election bid.
Binigyang paliwanang din ng poll body na bagama’t hindi na bago si Teodoro sa 1st district ng lungsod ay kumuha naman ito ng bagong bahay sa 2nd district.
Kinakailangan din umano na bumalik si Teodoro sa kaniyang house of origin para ma reestablish ang kaniyang residency na siyang paraan ‘di umano upang maituloy nito ang kaniyang hangarin na maupo sa kongreso.
Umapela naman si Teodoro sa naging desisyon ng Comelec at iginiit na ito ay isa lamang political manuevering ng kaniyang kalaban.
Pahayag ng alkalde na maghahain siya ng motion for reconsideration para i-apela ang desisyon at idiniin din niyang hindi pa pinal ang resolusyon ng poll body.
Dagdag pa ni Teodoro na hindi na siya bago sa first district ng Marikina at inamin din daw nila noon na doon ito ipinanganak at nagsilbing unang kinatawan ng 1st congressional district ng lungsod.