MARIKINA CITY SINIMULAN NA ANG PAGHAHANDA PARA SA LA NIÑA

Nagsimula nang maghanda ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa darating na La Niña sa bansa.

Kasalukuyang isinasagawa ang dredging operations sa Marikina River upang tuluyan na maiwasan ang pag-apaw ng ilog na dulot ng malalakas na ulan.

Mula sa 70 metro, pinalawak pa ang ilog hanggang 100 metro. Lumalim din ito — mula 15 metro hanggang 20 metro.

Dahil dito at sa tulong ng mga water pump at naayos na mga drainage, hindi nakaranas ng matinding pagbaha ang lungsod sa nakalipas na apat na taon, kasama na ang mga lugar sa mababang lugar at tabing-ilog.

Matatandaan na umapaw ang Marikina River sa pananalasa ng Tropical Storm Ondoy noong 2009, at naging dahilan ng pagbaha sa lungsod at mga katabing lugar.

Nagpatupad din ng isang slope protection project sa ilog ng Marikina sa ilalim ng pamumuno ni Marikina Mayor Marcy Teodoro.

“Maiiwasan na ‘yung scouring o ‘yung pagguho ng gilid ng ilog (scouring or erosion of the riverbanks will be avoided),”ani teodoro.

Batay sa PAGASA, maaaring magsimula ang La Niña phenomenon sa pagitan ng Hunyo at Agosto. Ito ay nauugnay sa higit sa normal na mga kondisyon ng pag-ulan sa huling quarter at mga unang buwan ng susunod na taon.

Hinihimok ng state weather bureau ang publiko na maghanda para sa La Niña, lalo na sa mga lugar na madaling bahain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this