PINOY NA CREW NG MSC ARIES, PINALAYA NA NG IRANIAN NAVAL FORCES — DMW

Manila Philippines – Pinalaya na ng Iranian authorities ang isa sa apat na Pilipino crew ng Portuguese ship na MSC Aries, kinumpirma ito ng Foreign Ministry ng Portugal.

Mula sa 25 crew ng nagsabing Portuguese ship na binihag noong Abril, pito sa mga ito ang pinakawalaan ng Iranian Naval Forces.

Ang Department of Migrant Workers (DMW) nagpahayag ng pasasalamat sa pagsusumikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pangunguna ni Secretary Enrique Manalo upang matiyak ang ligtas na pagpapalaya sa Pinoy.

Patuloy din umano ang DMW sa pakikipagtulungan sa DFA para mapalaya pa ang nalalabing tatlo pang Pilipinong tripulante na nananatiling bihag ng mga Iranian.

“The DMW will continue working with the DFA, the ship agent and licensed manning agency to secure the release of the three Filipino crew men who remain in the custody of Iranian authorities,” sabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinatitiyak sa DMW, DFA at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang tulong at koordinasyon sa mga kaanak ng mga binihag ng Pinoy.

Umaasa rin ang mga ahensya ng pamahalaan para sa agarang pagpapalaya sa iba pang bihag ng mga Iranian authorities.

Abril 13 nang taong kasalukuyan noong binihag ng Iranian Naval Forces ang MSC Aries habang binabaybay ang Strait of Hormuz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this