NSC: NA-BYPASS NG CHINESE ENVOY ANG PROTOCOL NG MGA OPISYAL KAUGNAY SA WIRETAPPING

Manila Philippines – Nabypass umano ng Chinese Embassy sa Manila ang opisyal ng pamahalaan sa Pilipinas kaugnay sa pagkuha ng hindi kumpirmadong impormasyon na may paglabag sa Wire Tapping Act, ayon sa National Security Council (NSC).

Ayon kay NSC Adviser Secretary Eduardo Año, nilabag ng Embahada ng China sa Manila ang batas ng Pilipinas at ang Vienna Convention on Diplomatic Relations, maging ang mga sangkot sa masamang impluwensya at panghihimasok sa operasyon ng isang bansa.

“Those individuals in the Chinese Embassy responsible for violating Philippine laws and the Vienna Convention on Diplomatic Relations and those responsible for these malign influence and interference operations must be removed from the country immediately,” sinabi ni Año sa isang pahayag, ngayong Biyernes.

Dahil dito, dapat umanong panagutin ang nasa likod ng pagkuha ng recordings sa pagitan nina Vice Admiral Carlos at ng opisyal ng Chinese Embassy at mapanagot sa batas.

“…now releasing spurious transcripts or recordings of purported conversations between officials of the host country – should not be allowed to pass unsanctioned or without serious penalty,” dagdag pa ng opisyal.

Inilabas ng NSC ang pahayag na ito bilang pagsuporta sa nauna nang pahayag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. bunsod sa pagkuha at pagpapakalat ng maling impormasyon.

Wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung maghahain sila protesta laban sa opisyal ng embahada ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this