Marikina City — Inihayag ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina na ang mga graduating students sa elementary at highschool sa mga pampublikong paaralan sa Marikina City ay wala nang babayaran para sa kanilang graduation.
Sapagkat ang pag-alis ng mandatory graduation fees ay makakatulong sa kanila na makatipid.
Bukod pa rito, ang libreng toga rental at graduation photos na inisponsor ni Mayor Marcy Teodoro ay nagpapakita ng suporta at pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa mga mag-aaral ng lungsod.
Ang ganitong mga hakbang ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng edukasyon at nagbibigay ng oportunidad para sa mas maraming mag-aaral na makapagtapos ng kanilang mga pag-aaral nang hindi umano naaapektuhan ng financial burden.