MGA APEKTADONG MAGSASAKA, MANGINGISDA NG EL NIÑO SA GENSAN, SULTAN KUDARAT, BINIGYAN NG AYUDA NI PBBM

SULTAN KUDARAT, PHILIPPINES – Bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Sultan Kudarat at General Santos City upang magbigay tulong sa mga fisherfolks at farmers na apektado ng El Niño Phenomenon.

Kasunod yan ng binitawang pangako nito makaraang pumunta sa Zamboanga City.

“Hindi ang lokal na pamahalaan ang dudulog sa Malacañang, ang Malacañang ang pupunta sa mamamayan” Ayon kay Pangulong Marcos.

Sa naturang pagbisita ng Pangulo nag paabot ito ng tulong pinansyal sa Provincial Government ng Sultan Kudarat at Cotabato na nagkakahalaga ng tig P50M na papakinabangan ng magsasaka at mangingisda na apektado ng El ñino.

Nagbigay din ng certificate grants ang  Department of Trade and Industry (DTI) sa grupo ng mga magsasaka na nagkakahalaga naman ng P940,000.

21 Livelihood toolkits at allowances naman ang handog ng Department of Labor and Employement (DOLE) sa mga scholar.

Habang namigay naman ang opisina ni House Speaker Martin Romualdez ng tig limang kilong bigas sa bawat residente sa Sultan Kudarat.

Pagtapos mamahagi ng Pangulo ng kinakailangang tulong sa nasabing probinsya dumiretso naman ito sa General Santos City.

Kung saan tig P10,000 naman ang nakuha ng 30 benepisyaryong napili.

Nagmula rin sa Presidential assistance ang P10M na natanggap ng GenSan at P50M sa Provincial Government ng South Cotabato at Provincial Government ng Sarangani.

“Hindi lang maghahatid ng tulong pero magbibigay ng pangako ng pamahalaan sa paglaban sa masamang dulot ng Niño.” saad ng Pangulo sa Sultan Kudarat habang namamahagi ng tulong pinansyal.

“Andito po kami ngayon upang makapagbigay ng tulong at ayuda sa ating mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya sa gitna ng ating nararanasang tagtuyot na dala ng El Nino” dagdag pa [punong ehekutibo].

Base sa pinakahuling datos ng pamahalaan umabot na sa mahigit 3.6M na indibidwal ang lubhang naapektuhan ng El Nino sa buong bansa.

Habang nananatili sa PhP5.9 Billion ang halagang nasayang na sa sektor ng agrikultura.

Sa Zamboanga lampas 3,000 ektarya ng mga lupa ang naapektuhan din ng tagtuyot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this