MINORYA, TINIYAK ANG MASUSING IMBESTIGASYON SA EJK

Manila Philippines — Tiniyak ng Minority Bloc sa Kamara na dadaan sa masusing imbestigasyon ng Kongreso ang pagpapatawag kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo’y Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa kaugnay sa naging madugong laban ng nagdaang administrasyon kontra sa ilegal na droga.

Ayon sa minorya sa kamara, kailangan mapanagot ang nasa likod ng tinaguriang Extra Judicial Killings (EJK) na nag-ugat umano sa direktiba ni Duterte.

“…dapat imbitahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hearings regarding Project Double Barrel kasama ang Oplan Tokhang kasi nga out of the references o existing man yan na batas, memo or order, pero kung mayroon kang reference para ipatupad ng PNP at iba pang mga ahensya dati ang Oplan Tokhang,” ayon kay Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel.

Kinakailang din umanong maipaliwanag ng nagdadang administrasyon ang hindi natupad na anim na buwang palugit ng dating pangulo upang masugpo ang ilegal na droga sa bansa.

“…umitaw din naman doon sa hearing na maraming hindi din naman maipaliwanag na mismo kahit yung mga dating PNP Chief na kapag naiiwan na vague ang mga ginagamit na salita kagaya ng “negation” at “pag neutralize” ng mga drug suspect,” dagdag pa ni Manuel.

Sa loob ng unang 17 buwan ng Duterte administration umabot sa 20,322 na umanoy drug suspects ang napaslang dahil Oplan Tokhang na katumbas ng 40 kataong nasasawi kada araw.

Maging ang International Criminal Court (ICC) ay nais ding paimbestigahan ang paglabag sa karapatang pantao ng nagdaang administrasyon na kampanyan laban sa ilegal na droga.

Kahapon, muling binuksn ni Manuel ang usapin sa pagpapatawag sa nagdaang administrasyon hinggil sa Oplan Tokhang.

Dahil dito iniimbitahan na ng Kamara ang dating pangulo at si dela Rosa matapos aprubahan ni House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th District Representative Bienvenido Abante ang pagdinig sa imbestigasyon kaugnay sa madugong ‘war on drugs’ campaign.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this