VALENZUELA LGU, SINIYASAT ANG ISANG CHINESE FLAG SA WAREHOUSE

VALENZUELA, CITY– Agarang ipinasara ng Valenzuela LGU ang isang warehouse sa lungsod matapos na mapag-alamang ito ay kulang sa mga dokumento o permit.

Tila isa rin umano sa napansin sa naturang warehouse ang nakabanderang Chinese Flag rito.

Naglabas naman ng agarang closure order sa STR Power Equipment Corporation, sa pamamagitan ng Executive Order 2024-073, Series of 2024.

Dahil naman sa pagbandera umano ng isang foreign flag maaaring managot ang mapapatunayang lumabag sa Seksyon 34 (h) ng Republic Act No. 8491, na kilala rin bilang Flag and Heraldic Code of the Philippines kung saan pinoproseso pa rin daw ng BPLO kung sinong kumpanya sa compund ng bodega ang responsable sa pagtataas nga naturang bandera.

Lumalabas naman sa karagdagang imbestigasyon ang presensya ng mga dayuhang empleyado sa dalawa pang kumpanyang nag-ooperate sa lugar. Kasalukuyang bini-verify na rin ng BPLO kung ang mga empleyadong ito ay sapat at tama ang working visa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this