MV TUTOR LUMUBOG MATAPOS ATAKIHIN NG HOUTHIS SA YEMEN

Manila Philippines — Base sa kumpirmasyon ng mga international reports, lumubog umano ang MV Tutor na sinakyan ng mga 22 Pilipinong tripulante na inatake ng Houthi Rebel sa Red Sea noong June 12.

Ayon sa mga ulat ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO), muling inatake ng mga Houthi ang naturang cargo vessel ng Houthi rebels sa Yemen.

“Military authorities report maritime debris and oil sighted in the last reported location,” ayon sa pahayag ng UKMTO.

 “The vessel is believed to have sunk,” saad pa ng UKMTO.

BASAHIN: https://x.com/UK_MTO/status/1803133861477445811/photo/1

Ito na ang ikalawang barko na pinalubong mga rebeldeng grupo sa kanilang kampanya.

Batay naman sa pahayag na inilabas ng pamunuan ng MV Tutor, kinumpirma ng Philippine Embassy sa Athens na pinagpaliban muna ang search and rescue operations sa nawawalang tripulante dahil sa panganib na nakaamba sa mga rescuerers.

At kabilang na rito ang pagtitiyak na ligtas na makadaong ang nasabing cargo vessel.

Patuloy pang beniberipika ng EUROTV News sa Department of Migrant Workers (DMW) kung ano nag kalagayan ng isa pang Filipino seafarer na napaulat na nawawala matapos ang pagatake.

Ayon sa pamunuan ng MV Tutor, pinaghihinalaan nilang nakulong na sa engine room ng barko ang nawawalang Pilipinong tripulante.

Napauwi na sa bansa ang nasa 21 Pilipinong tripulante noong Martes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this