P162.2-M HALAGANG KUSH, NASAMSAM SA SAILING YACHT SA SUBIC

Zambales, Philippines – Tinatayang 98.33 kilo ng marijuana o “Kush” ang nasamsam sa isang sailing yacht na tumigil sa Subic Bay Yacht Club sa Zambales.

Nasamsam ng Bureau of Customs o BOC, katuwang ang iba pang law enforcement agencies ang nagkakahalagang ₱162.2 milyon na kush.

Ayon sa BOC, nagsagawa sila ng inspeksyon matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa isang distressed yacht na nangangailangan ng emergency shelter at pagkukumpuni dahil sa masamang panahon. 

Nagmula umano ito sa Kota Kinabalu, Malaysia at patungong Taiwan. Minamaneho ito ng mga Thai at Malaysian crews.

Positibo ang naging resulta ng operasyon matapos matagpuan sa loob ng yacht ang malaking bulto ng hinihinalang marijuana matapos maglabas ng order ang BOC port of Clark

Agad namang itinurn-over sa PDEA ang nakumpiskang kontrabando para sa kaukulang mgq proseso, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Share this