PAGASA: HEAT INDEX, PAPALO SA 42-47°C ; EASTERLIES, MAGPAPAULAN

MANILA, PHILIPPINES—Maaaring pumalo sa 47°C ang magiging pinakamataas na heat index na mararamdaman sa bansa sa Martes, habang halos 40 mga lugar ang tinatayang nasa Dangerous Level ang heat index, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa 2-day Forecast na inilabas ng PAGASA nitong ika-13 ng Mayo, 5pm, maglalaro sa 42°C hanggang 47°C ang inaasahang heat index na mararamdaman sa ilang lugar sa bansa ngayong Martes, ika-14 ng Mayo.

Sa forecast ng PAGASA, kabilang sa mga lugar na maaaring makaranas ng 42°C na antas ng init ay ang:

  • Science Garden, Quezon City
  • Tugegarao City, Cagayan
  • Iba, Zambales
  • Clark Airport, Pampanga
  • CLSU Muñoz, Nueva Ecija
  • Cubi Point, Subic Bay Olongapo City
  • Sangley Point, Cavite
  • Ambulong, Tanauan, Batangas
  • Daet, Camarines Norte
  • La Granja, La Carlota, Negros Occidental
  • Catbalogan, Samar
  • Tacloban City, Leyte
  • Borongan, Eastern Samar
  • Davao City
  • Cotabato City
  • Surigao City

43°C naman ang inaasahang heat index sa:

  • NAIA Pasay City
  • Aparri, Cagayan
  • ISU Echague, Isabela
  • Baler, Aurora
  • Casiguran, Aurora
  • Aborlan, Palawan
  • Dumangas, Iloilo
  • Dipolog, Zamboanga Del Norte
  • Zamboanga City

8 lugar naman ang inabisuhan na maaaring makaranas ng 44°C na heat index, kabilang na ang:

  • Laoag City, Ilocos Norte
  • Bacnotan, La Union
  • San Jose, Occidental Mindoro
  • Puerto Princesa City, Palawan
  • Cuyo, Palawan
  • Legazpi City, Albay
  • Masbate City
  • Iloilo City

Samantala, 45°C ang forecasted heat index sa Roxas City at Butuan City, habang 46°C naman sa Virac, Catanduanes. 47°C naman ang forecasted heat index sa Dagupan City sa Martes, kung saan pumalo ang computed heat index nito sa 50°C noong Lunes.

Ang heat index ay ang antas ng init na nararamdaman ng katawan ng isang tao, kung saan ang dangerous level (mula 42°C hanggang 51°C) ay maaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, o het stroke.

Kaugnay nito, pinaaalalahan ang publiko na limitahan ang paglabas ng bahay, uminom ng sapat na tubig, magsuot o magdala ng panangga sa matinding init, gaya ng sumbrero, payong, at iba pa, at magsuot ng mga maaliwalas at preskong damit.

Sa kabilang banda, mainit man ang inaasahang heat index sa maraming lugar sa bansa sa araw ng Martes, asahan naman ang mga isolated thunderstorms bandang hapon o gabi dala ng easterlies.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, bukod sa easterlies at frontal system sa hilagang bahagi ng Cagayan, wala namang inaasahang mabubuong Low Pressure Area (LPA) o bagyo sa bansa ngayong linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this