Manila, Philippines — Minulat tayo ng mga otoridad sa duck, cover and hold sa tuwing may lindol bilang safety measure. Ngunit ang katanungan, tunay bang naililigtas tayo ng duck, cover , and hold sa trahedya at kalamidad?
Ayon sa mga eksperto sa pagnenegosyo at opisyal ng Phivolcs, hindi raw ang lindol ang nakakamatay ng tao, kundi ang mga pagguho ng mga gusali na hindi makayanan ang matinding pagyanig ng lupa dahil sa mga hindi de kalidad na bakal at materyales na ginamit sa pagbuo ng gusali.
Panawagan nina Ronald Magsajo, chairman of South East Asia Iron and Steel Institute (SEAISI) at Jesus Lim Arranza, Chairman Emeritus ng Federation of the Philippine Industries sa gobyerno, ipagbawal na ang paggamit ng mga induction furnaces sa paglulusaw ng mga scrap materials para makabuo ng bakal na siya namang ginagamit sa pagtatayo ng mga gusali.
Ilan sa mga bansang binanggit ni Magsajo na bansang tuluyan nang ipinagbawal ang induction furnaces, katulad ng China, Indonesia, Thailand, Singapore, at ilan pang bansa.
Ngunit ano bang ginagawa ng mga Induction Furnace?
Ito lang naman ang ginagamit para magtunaw ng mga metal. Ito ang madalas gamitin sa mga pabrika ng bakal sa Pilipinas at maging sa paggawa ng kagamitan pangluto.
Ayon kay Arranza, hindi napapatay ng induction furnace ang impurity ng scrap material, dahilan para hindi maging matibay bilang materyales sa pagbuo ng mga gusali.
Paliwanag ni Magsajo, hindi masama sa lahat ng bagay ang paggamit ng induction furnace, ngunit binigyang diin niya na ginagawa nitong makunat ang mga bakal.
Dahilan para hindi nito makayanan o masabayan ang matinding pagyanig ng lupa.
Giit ng mga eksperto, ang gobyerno ang unang dapat na humanap ng solusyon para matiyak na ligtas ang mga materyales na gagamitin sa kabahayan, paaralan, ospital, at ilan pang mahahalagang gusali.
Panawagan ni Arranza, dapat magsilbing wake up call sa administrasyon ang nangyaring 7.8 magnitude na lindol sa General Santos City at pagguho ng isang construction site sa Angeles City Pampanga.
Kung saan maraming tao ang nasawi dahil sa pagguho ng mga gusali dulot kalamidad at trahedya.
Pahayag ni PhiVolcs Director Dr.Teresito Bacolcol, nasa responsibilidad ng mga Lokal na pamahalaan na tiyakin ang kalidad ng isang gusali dahil sila ang may mandato na ipatupad ang building code at magbibigay ng mga building permit.
June 9 nang yanigin ng 7.8 magbituude na lindol ang Sarangani province na naging dahilan ng pagkamatay ng humigit kumulang 70 katao, at 1,300 ang naitalang sugatan.
Habang noong May 24, 2026 gumuho ang nine-storey construction sa angeles city pampanga na ikinasawi rin ng 30 na katao.—Krizza Lopez, Eurotv News