Manila Philippines –– Mariing kinokondena ng ilang grupo ang paggamit ng MQ-94 Reaper Drone na mula sa donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Nagsimula nang mag-operate ang unmanned aerial vehicles sa Basa Air Base bilang bahagi ng suporta ng US Indo-Pacific Command sa kahilingan ng Armed Force of the Philippines (AFP), ayon sa ulat ng US Naval Institute.
Tinuligsa ng P1NAS (Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya) ay pagpapadala ng US ng sinasabing ‘rotational’ na pagpapalipad ay panimula lang umano ng permanenteng paggamit nto.
Mayroon umanong posibilad na gawing armado ang naturang drone na pwedeng kargahan ng mga precision-guided missiles na ginagamit ng US laban sa mga bansa sa Middle East.
“The Reaper drones may be armed with precision-guided missiles and bombs, and were extensively used by the US in its wars in Iraq, Afghanistan, Pakistan, Somalia, and Yemen,” ani P1NAS spokesperson Antonio Tinio.
Posibleng din aniya ng pagpapapalakas ng mga sundalong Amerikano ang pagpapadala ng drone upang palakasin ang pananakop nito laban sa China.
“This is part of the ongoing US military build-up in the Philippines and the region as it gears up for war with China to maintain its hegemony,” paliwanag pa ni Tinio.
BASAHIN: DFA FILES PROTEST VS CHINA’S FISHING MORATORIUM IN SCS
Para naman kay Bayan Muna Executive Vice President Carlos Isagani Zarate, tahasang paglabag sa soberanya at integridad ng Pilipinas ang pagpapalipad ng US drone.
“The deployment of US Reaper drones in the Philippines is a blatant violation of our sovereignty and territorial integrity,” ayon kay Zarate sa isang pahayag.
Malaking banta din aniya para sa national security ang pagpapadala ng US ng drone, kaya naman nananawagan ang dating mambabatas na i-withdraw na ang pagrequest ng drones mula sa US.
“The presence of these drones is a threat not only to our national security but also to the safety and well-being of our people. We must stand up against foreign intervention and assert our right to self-determination,” sabi pa ng dating mambabatas.
Ang pagsusuplay ng US ng Reaper Drone ay naka-angkla sa Visiting Forces Agreement (VFA) at ng 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Washington at ng Manila.