PAGLUBOG NG MV TUTOR: KALIGTASAN NG NAWAWALANG PILIPINO, HINDI PA MATUKOY

Manila Philippines — Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na lumubog ang Bulk Carrier na MV Tutor matapos muling atakihin ng mga rebeldeng grupong Houthi.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, base sa reports na kanilang natanggap, huling namataan ang MV Tutor noong June 17.

Pero isang araw ang nakalipas, June 18, noong muling isagawa ang searfch and rescue operations, hindi na matagpuan ang nasabing Bulk Carrier na barko.

Sa pinakahuling abiso sa DMW ng maritime personnel, may pagtaas umano ng oil spill malapit sa Eritrea, sa Africa.

Dito rin huling namataan ang MV Tutor.

“Based on reports was lost in sea [MV Tutor]… the last time it was sighted was June 17… On June 18, when a ship returned on the scene supposedly to commence the search and also the salvaging operation with respect to the ship, she could not be found,” ayon kay Cacdac sa isang press briefing.

Pero hindi pa makumpirma kung ano ang kalgayan ng isang Pilipinong Tripulante na patuloy na pinaghahanap mula noong mangyari ang insidente.

Sa ngayon, patuloy ang konsultasyon ng DMW sa pamunuan ng MV Tutor para sa search and rescue operation sa nawawalang crew ng barko.

Giit pa ni Cacdac, ang paglubog ng barko ay isa rin sa nagpapahirap sa operasyon ng mga otoridad.

“It renders it more difficult given the circumstances. We are still waiting for the word on the situation,” sabi pa ni Cacdac.

BASAHIN: MV TUTOR LUMUBOG MATAPOS ATAKIHIN NG HOUTHIS SA YEMEN

Unang tinamaan ng dalawang missile ang MV Tutor noong June 12 habang binabaybay nito ang bahagi ng Red Sea.

Sa isang pahayag una nang sinabi ng US State Department na patay na ang nasabing nawawalang tripulante ng MV Tutor matapos ang huling pagatake ng Houthi rebels sa bahagi Yemen.

Patuloy ang koordinasyon ng DMW at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kaanak ng nawawalang Pinoy.

Habang nagpapatuloy naman ang konsultasyon ng departamento kung may nilabag ba ang pamunuan ng MV Tutor sa direktiba ng DMW na ipagbabawalang ang mga vessels dumaan sa Red Sea at sa Gulf of Aden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this