PAGPAPADALA NG OFW SA KUWAIT, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG DMW

Manila Philippines — Mas pinaiigting pa ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansang Kuwait.

Bagamat inalis na ng gobyerno ng Pilipinas ang restrictions sa pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait, may mga bagong parameters na inilatag ang DMW sa gobyerno ng Kuwait hinggil sa deployment ng mga Pinoy.

Kabilang na rito ang pagtitiyak na dumadaan sa tamang employment process ang mga OFW at labor code ng bansa Kuwait, upang maiwasan ang pangaabuso sa mg Pinoy – kagaya ng kaso ng pagpatay kay Julebee Ranara.

“The resolution is a continuing manifestation of the cordiality, of the friendship between the two nations established by no less than President Ferdinand Marcos Jr, and then Kuwaiti Crown Prince and now Emir Sheikh Meshal back in October 2023,” ayon kay Cacdac sa press briefing noong Martes.

Bahagi ng pagtitiyak sa bagong regulasyon ng pagpapadala ng mga OFW ay ang Blacklisting at Whitelisting ng mga Recruitment agency na bahagi ng deployment ng ahensya.

Gayundin ang paggamit ng electronic payment upang matiyak na tama ang pagpapasahod sa mga OFW.

Inaasang bubuksan muli ng DMW ang pagpapadala ng OFW sa Kuwait sa susunod na dalawang linggo o higit pa.

BASAHIN: OFW BIKTIMA NG SUNOG SA KUWAIT, NAKALABAS NA NG ICU – DMW

Ipinasara din ng DMW Regional Office sa Mindanao ang operasyon ng illegal recruitment agency na nag-aalok ng trabaho sa Poland, Czech Republic, Lithuania, Romania, Croatia, Malta, Greece, Canada, UK, Dubai at Saudi Arabia.

Ang singil sa mga aplikante ng Jonieza Joy travel & tours Agency & Consultancy ay placement fee na aabot sa 230,000 Pesos.

Ito na ang ika-11 illegal recruitment hub na ipinasara ng DMW ngayong taon.

BASAHIN: DEPLOYMENT NG MGA OFWS SA KUWAIT, MULING BINUKSAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this