PBBM, IPATATAWAG ANG CHINESE ENVOY KAUGNAY SA AYUNGIN INCIDENT

Manila Philippines — Ipinatatawag ni Pangulong Bongbong Marcos ang Ambassador ng China kaugnay sa nangyaring pananakit at pang-aagaw ng Chinese Coast Guard personnel sa gamit ng Philippine Navy personnel sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Marcos, layon ng pagpapatawag kay Ambassador Huang Xilian na matalakay ang naging posisyon ng Pilipinas sa insidente.

“We have already made a similar number of demarche, so we have to do more than just that. Kasi papatawag natin ‘yung ambassador, sasabihin natin ito ‘yung position natin, hindi natin gusto ‘yung nangyari, and that’s it. But we have to do more than that, so we are doing just that,” ayon kay Marcos sa isang interview.

Giit ng Pangulo hindi umano ginamit ng dahas ang mga tropa ng militar.

Dagdag pa ng pangulo, hindi rin daw tinutukan ng baril ang mga tauhan ng militar noong mangyari ang insidente dahil ginawa lamang ng CCG personnel na pigilan ang operasyon ng tropa ng militar sa Ayungin.

“It’s not armed, walang pumutok. Hindi tayo tinutukan ng baril but it was a deliberate action to stop our people. But in the process of that, kinuhanan tayo they boarded Philippine vessel and took the equipment from the Philippine vessel,” dagdag pa ng Pangulo.

Una nang kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea ang nangyaring isidente at naghain na rin ng protesta ang Pilipinas laban sa gobyerno ng China.

Sa pagdalo naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa 2014 International Media Conference iginiit ng kalihim ang pagtalima ng Pilipinas sa bukas, inklusibo at international rules-based order ng international community na siyang tinuran ni Pangulong Bongbong Marcos.

“President Ferdinand R. Marcos, Jr, has repeatedly underscored the Philippines’ adherence to an “open, inclusive, and rules-based international order [that] is governed by international law and informed by the principles of equity and justice,” sabi ni Manalo.

Gayundin ang pagtitiyak na pakikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa na may iisang hangarin sa pagnanatilihin ng katotohan, sa gitna ng mainit na tensyon sa West Philippine Sea.

“We have also been working with our allies and partners in the international community who value and share the same respect for upholding the truth,” dagdag pa ng kalihim.

Bahagi ito ng transparency ng DFA hinggil sa anumang sighalot sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sa isang pahayag kinumpirma naman ng Philippine Coast Guard na naman ang China Coast Guard Monster ship na may body number 5901 sa karagatan ng Pilipinas.

Patuloy ang pagmomonitor ng Pilipinas sa galaw ng nasabing monster ship.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this