MANILA, PHILIPPINES – Tiniyak ni San Juan City Mayor Francis Zamora na hindi na mauulit pa sa susunod na Wattah Wattah o Basaan Festival ang kaguluhan na nangyari noong June 24.
Kung saan ilang mga residente nila ang di umanoy umasal ng hindi maganda na nagresulta ng kabi-kabilang reklamo mula sa mga naperwisyong indibidwal.
Ayon sa alkalde ng lungsod nakatakda na silang magtalaga ng Basaan zone sa susunod na taon sa kahabaan ng Pinaglabanan road na pinagigitnaan ng N. Domingo hanggang P. Guevarra Street
Dito na lamang daw gaganapin ang kanilang tradisyunal na basaan, bukas pa rin daw ito sa publiko ngunit sa mga nais na lamang makiisa upang wala ng maperwisyo pang iba.
Sinabi naman din ni Zamora na sa kabila ng hindi magandang asal at hindi magandang aksyon na ipinakita ng ilang residente ng kanilang lungsod, hindi raw ito sumasalamin sa kabuuang imahe ng San Juan.
READ: KAGULUHAN SA BASAAN FESTIVAL, IPINAGPAUMANHIN NG SAN JUAN CITY
Gayunpaman sa halip raw na patulan at pansinin pa ang mga ibinabato sakanilang hindi magagandang salita dahil lamang sa iilang mga tao, mas pagbubutihan na lamang daw nila ang kanilang mga programa na makakatulong sa taumbayan.
Samantala sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon ng San Juan Police Station upang makilala pa ang ilang indibidwal na nakita sa mga video na lumabag sa ordinanansang kanilang naibaba bago pa ang Basaan Festival.
Gayundin ang pagtanggap ng Office of the City Prosecutors sa mga nagusumite ng reklamo hinggil nakaraang Basaan Fesrtival