2 PINOY SUGATAN SA ENGINE EXPLOSION NG KANILANG BANGKA

MANILA PHILIPPINES – Sugatan ang dalawang mangingisdang pinoy matapos sumabog ang makina ng kanyang bangkang pangisda sa 17 nautical miles southwest ng Bajo de Masinloc (BDM) nitong sabado.

Kaagad naman ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan ang deployment ng BRP Sindangan na kasalukuyan raw noong nagpapatrolya sa BDM para magbigay ng medical assistance sa dalawang walong mangingisda na nasaktan sa bahagyang paglubog ng bangka.

Namataan din sa lugar ang dalawang barko ng China Coast Guard.

Ayon sa PCG, tinangka pa ng China Coast Guard na harangin ang gagawin nilang rescue operations kahit pa sinabihan silang mayroon itong tinutugunan emergency situations.

Sabi pa ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo nakaranas pa sila ng shadowing, radio challenge ng CCG at People’s Liberation Army (PLA) Navy ships.,

“During the operation, our vessel received radio challenges, as well as encountered shadowing and initial blocking by China Coast Guard (CCG) and People’s Liberation Army (PLA) Navy ships,” sabi ni Balilo.

Tumigil nalamang raw sa shadowing ang PLA Navy vessels ng masabihan sailang may humanitarian mission ang coast guard.

Nag deploy rin anya ang mga chinese ng kanilang dalawang rigid hull inflatable boats at nag alok umano ng tulong sa walong mangingisda na sakay ng bangka.

“In times of emergencies, the safety of life should always be our priority. The PCG and CCG communicated in a diplomatic manner and set aside issues on sovereignty, in the spirit of humanitarianism,” dagdag pa ni balilo.

Kanina, pinuri ni Gavan ang mga coast guards na sakay ng BRP Sindangan na nagligtas sa mga sugatang mangingisda.

Ligtas namang nakarating pasado alas kwatro kaninang umaga ang BRP Sindangan sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Port sa Subic, Zambales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this