PH MAAARING MAKAKUHA NG BAGONG BAKUNA LABAN SA DENGUE NGAYONG TAON

MANILA, PHILIPPINES – Inaasahan daw ng Department of Health ang isang bagong bakuna sa dengue na maaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) sa loob ng taon,

Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa noon na ito ay dahil sa pagdodoble ingat ng DOH sa pagpigil sa mas maraming paglaganap ng Dengue matapos ang unang naiatala sa kalahati ng taon na umabot ng 15% na pagtaas ng mga kaso , kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ani Herbosa na ang QDENGA vaccine ng Japan-based na Takeda Pharmaceuticals ay nag-apply na para sa certificate of product registration mula sa FDA noong nakaraang taon.

Habang ayon naman DOH secretary na pag-aaralan ng FDA ang mga requirements na isinumite ng QDENGA bago ito aprubahan at ihatid sa Pilipinas.

Samantala, ang pagdami ng mga kaso ng Dengue noong unang bahagi ng taong ito, na nagsimula bago pa man magsimula ang tag-ulan, ay nagtulak sa DOH na himukin ang publiko na magpatupad ng “search and destroy” strategy upang mapuksa ang mga pinagmumulan ng lamok ito’y sa loob ng maraming taon lalo na sa panahon ng pandemya ng COVID-19.

Kinailangan din daw ng DOH na palakasin ang mga information drive nito upang mapataas ang mababang saklaw ng pagbabakuna sa bansa, na bahagyang naiugnay sa pagkalat ng mga maling pahayag tungkol sa Dengvaxia noong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this