PH NAVY: UNILATERAL FISHING MORATORIUM NG CHINA NARRATIVE, DECEPTION LAMANG

MANILA PHILIPPINES – Iniulat ng Philippine Navy na wala silang naitalang indikasyon ng ipinapatupad ng China na unilateral fishing moratorium sa West Philippine Sea.

Ayon kay PH Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commo. Roy Vincent Trinidad ang polisiya ng china at tanging mga narrative, deception lamang hinggil sa isyu sa WPS.

Ang pronouncements raw na ito ng china ay dati na nilang inilabas noong 2021 kung kailan inanunsyo nila ang implementasyon sa apat na buwang na fishing ban.

Sabi pa ni Trinidad hindi kinikilala ng bansa ang apat na buwang fishing ban na in-imposed ng china sa south china sea.

So far, none…Today’s warfare is more on narratives, more on deception. It is part of the lawfare of China,” he said when asked about indications that China is enforcing its fishing ban over the area,” ayon kay Trinidad.

The pronouncement on the ban has been there since 2021. They have announced a four-month fishing ban. But the implementation has not yet been put into effect,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Trinidad wala pa ni isang Pilipinong mangingisda o sinumang claimant countries tulad ng Vietnam, Malaysia, at Indonesia ang inaresto ng China.

Dati nang iginiit ng Department of Foreign Affairs na hindi kailanman kikilalanin ng Iliinas ang fishing moratorium ng China sa West Philippine Sea mula Mayo 1 hanggang Setyembre 16, 2024.

Tiniyak naman ng opisyal na mananatiling ligtas ang mga mangingisdang pinoy, at magpapatuloy sila sa kanilang pangingisda sa kabila ng pagpapatupad ng china ng kanilang unilateral fishing moratorium.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this