MANILA,PHILIPPINES- Higit pa na pinalawig ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang benepisyo ang benepisyo na maaaring makuha ng mga mayroong neonatal sepsis at Bronchial Asthma.
Mula sa dating P11,700, mas itinaas na ngayon ng PhilHealth sa P25,793 sa ilalim ng package nito para sa neonatal sepsis, isang impeksyon sa dugo na nakakaapekto sa mga bagong silang na sanggol.
Tungkol naman sa Bronchial Asthma, na isang sakit sa baga, tumaas ang rate mula P9,000 hanggang P22,488.
Sinabi ni PhilHealth Acting Vice President for Corporate Affairs Group Rey Baleña na ang mga pagsasaayos sa benefit package ay epektibo noong Mayo 1 pa.
Dagdag pa ng PhilHealth, 120% ang dagdag benepisyo para sa neonatal sepsis habang 150% naman ang inilaan para sa bronchial asthma. Ang neonatal sepsis at iba pang mga nakahahawang sakit ay ilan lamang sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga sanggol sa Pilipinas.