Inabisuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang publiko na magsuot ng face mask, particular ang N-95, upang makaiwas sa panganib na dulot ng pagbubuga ng asupre o sulfur dioxide ng Bulkang Taal.
Kasunod ng naunang pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ukol sa mabagal na kilos ng hangin sa paligid ng taal volcano, minabuti ng Philvolcs na maglabas ng advisory tungkol sa nasabing sulfur dioxide degassing.
READ: 4 NA VOLCANIC EARTHQUAKES NAITALA SA BULKANG MAYON SA NAKALIPAS NA 24 ORAS
Ayon kay Philvolcs Director Dr. Teresito Bacolcol, mainam na gumamit ng N-95 mask ang mga tao, lalo’t inaasahan na marami ang magpupunta sa Tagaytay ngayong darating na linggo.
“Payo natin sa ating mga kababayan lalo ngayon na nasa weekend, maraming pupunta sa Tagaytay, magsuot ng face mask, N-95 kung maaari,” ani Bacolcol.
Nitong Huwebes, nakapagtala ang Philvolcs ng sulfur dioxide kasabay ng sunod-sunod na pagbuga ng usok. Paliwanag ni Bacolcol, posibleng maging vog o volcanic smog ang naturang sulfur dioxide kung hindi agad ito mawawala.
Kahit nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, naiulat din ang mga phreatic eruption na tumagal ng dalawang minuto at limang volcanic tremors nito lamang Sabado, (June 08)
Dahil dito, nananatiling off limits sa Main Crater at Daang Kastila ang publiko lalo ang mga magbabangka at magpapalipad ng aircraft.
Sa ngayon, patuloy na mino-monitor ng Philvolcs ang anumang volcanic activities na maaaring maganap sa Bulkang Taal anumang sandali.
READ: CANLAON CITY LGU WARNS OVER FAKE DONATION DRIVES
READ: 1.5K LUMIKAS SA NEGROS OCCIDENTAL MATAPOS SUMABOG ANG KANLAON