PhP30.56 BILLION PARA SA RESILIENCY PROJECT NG MGA PAARALAN

MANILA, PHILIPPINES – Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PhP30.56-billion para sa Infrastructure for Safer and Resilient Schools (ISRS) program na ilalaan sa pagsasaayos ng mga eskwelahan sa labas ng Metro Manila na napinsala ng nagdaang kalamidad.

Manggagaling ang pondong gagamitin dito sa Official Development Assistance (ODA) loan mula sa World Bank-International Bank for Reconstruction and Development na pangangasiwaan ng Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

PHOTO COURTESY: Presidential Communication Office (PCO)

Inaasahan namang tatapusin ang lahat ng mga nasirang paaralan sa labas ng National Capital Region (NCR) sa pagitan ng 2025 hanggang 2029.

Sakop ng ISRS program ang Repair, rehabilitation, retrofitting, at reconstruction na lubos na naapektuhan ng mga kalamidad noong 2019 hanggang 2023.

READ: DOT PREPS TO ASSIST SOFITEL EMPLOYEES AFFECTED BY CLOSURE

Inaasahang nasa mahigit 1,282 na mga paaralan, 4,756 na school building at 3,101 na mga silid-aralan ang dadaan sa pagsasaayos.

Nilalayon ng proyektong ito na maging komportable ang mga mag aaral tuwing papasok sa paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this