Kinumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corporation(PAGCOR), na hindi rehistrado ang Philippine Offshore Gaming Operator(POGO) ng Porac, Pampanga na ni-raid kamakailan ng mga otoridad.
Ayon kay Porac, Pampanga Mayor Jing Capil, ang Lucky South 99 ay walang Mayor’s Permit at hindi naka rehistro ngayong taon na nasa Negative List ng Bureau of Fire Protection.
Napag alaman din ng Kapulisan na mayroong umanong foreign nationals na nakapasok sa bansa na walang pagkakakilanlan, o visa.
READ: POGO SANHI NG IBA’T IBANG KRIMINALIDAD SA BANSA — MAMBABATAS
“It’s as if they’re saying we’re becoming the protector of Pogo. How can we be the protector when we didn’t allow even the simplest violation that we could have let pass?,” ayon kay Capil.
Naabutan ng mga otoridad sa loob ng POGO Hub ang nasa 126 na chinese nationals , 23 ang Vietnamese, 4 ang Malaysian, 4 na Myanma at isang koreano.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino sa kanila ang biktima at suspect.
Gayon pa man, tinalakay sa pagdinig sa senado noong Mayo 7, 2024 ang sandamakmak at di rehistradong kompanya kabilang ang Lucky South 99 na kabilang umano sa iligal na gawain noong 2022.
Samantala, sabi naman ni Capil mariin nilang kinokondena ang anumang iligal na gawain na sumisira sa intergridad ng negosyo ng munisipaldad.