Manila,Philippines -Nagbabala ang Philippine Embassy sa Israel sa mga Pilipino laban sa mga kuamkalat na hindi awtorisadong recruiter na nag-aalok ng mga job offer maging sa ibang bansa.
Ayon sa embahada sa Tel Aviv na kailangan munang aprubahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang recruiter, recruitment agency at employment contract bago matanggap ang isang Filipino worker sa ibang bansa.
Idinagdag nito na ang mga manggagawang Pilipino ay pinapayagan lamang na ipadala sa isang bansang certified na ligtas at siguradong kayang protektahan ang karapatan ng isang mangagawa.
Aani ng ahensya sakop ng batas at panuntunang ito ang mga tao o kumpanya na kasaklukuyang nanghihikayat ng mga Pilipino sa Israel bilang mangagawa patungo sa U.s, Canada, Australia, Europe, at iab pang mag destinasyon.
Hinikayat din ang mga Pilipino na ipaalam sa embahada ang mga hindi awtorisadong recruiter upang maimbestigahan at maparusahan ito ng mga awtoridad kung mapapatunayang lumabag sa batas.
Sa ilalim ng RA 10022 o ang batas na nag-aamyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, ang mga illegal recruiter ay dapat makulong ng hanggang 20 taon at pagmumultahin ng hanggang P2 milyon.