PULIS, HULI SA OPERASYON NG DOTR-SAICT SA SAMPALOC MANILA

MANILA PHILIPPINES – Isa-isang pinababa ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang pasahero ng isang van sa Sampaloc Manila kaninang umaga dahil umano sa illegal na pag-ooperate nito.

Ayon sa SAICT-SOG napag-alaman na ang driver at operator ng kolorum van ay isa umanong pulis na malapit nang magretiro sa serbisyo.

Isang daang piso ang singil nito sa kanyang mga pasahero mula sampaloc patunong makati, na may sakay na nasa 15-18 pasahero.

Bago ang operasyon ayon sa Intelligence ng SAICT minanmanan at inantabayanan nila ang kilos ng naturang van.

Nakapangalan daw sa isang babae ang naturang van na nakarehistro bilang isang private vehicle, na kaapelyido ng pulis na nagmamaneho.

Sa huli, tiniketan at inimpound ang van ng pulis at dinala sa pinakamalapit na impounding area ng Land Transportation Office (LTO) na may multang dalawang daang libong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this