PULSO NG TAUMBAYAN SA PAGTAKBO NI VP DUTERTE BILANG PANGULO, BUMABA SA 33%; ROBREDO, TUMAAS SA 21%

Manila, Philippines — Bagama’t nangunguna pa rin sa pre-election preferences si Vice President Sara Duterte sa pagtakbo bilang pangulo sa 2028, bumaba naman ang porsyento ng posibleng boto niya sa 33%. 

Habang ang sumunod sa kanya na si dating Vice President Leni Robredo ay tumaas sa 21%, batay sa Tugon ng Masa Survey ng  Octa Research. 

Base sa survey, 38% ang porsyento ng boto na posibleng makuha ni Duterte noong huling quarter ng 2025, ngunit bumaba sa 33% sa unang kwarter ng 2026. 

Samantalang, mula sa 8% ay malaki ang itinaas ng porsyento na pabor kay Robredo. 

Bukod sa dalawa, lumutang din sa survey si Manila Mayor Isko Moreno na ikatlong rank at may 10%.

Nasa ika-aapat ni Senator Raffy tulfo na may 9%, at ikalima si Senator bam Aquino na may 4%. 

Isinagawa ang pag-aaral mula march 19 to 25% na may 1,200 na respondents. 

Ayon sa OCTA, 2% lamang ang undecided at 1% ang tumangging pumili.

Kasalukuyan,  sinisiyasat ng House of representatives ang mga impeachment complaints laban kay Vice president Sara Duterte, na nag-ugat sa ilang reklamo katulad ng bantang pagpatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maling paggamit ng confidential  funds. 

Habang ngayong linggo, ipinahayag na ni dating bise Leni Robredo ang hindi pagtakbo sa kahit na anong national position sa 2028 national election. 

Ngunit tatakbo pa siya ng isa pang termino bilang alkalde ng Naga.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this