QC LGU NAKAHANDA NA SA LOVE LABAN 2 EVERYONE PARA SA LGBTQIA+ COMMUNITY

MANILA, PHILIPPINES – Nakahanda na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa “Love laban 2 everyone” sa June 22 (Sabado) bilang bahagi ng selebrasyon ng pride month.

Sa isang press conference na pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama ang PRIDE PH at iba pang kawani ng lungsod.

Inisa isa ng mga ito ang mga maaaring abangan sa mismong araw na pagdiriwang, kabilang na dyan ang Pride Expo, Food and Art Market sa kahabaan ng Matalino Street, Pride March at Pride Night na dadaluhan ng mga sikat at kilalalang personalidad gaya na lang ni Unkobagable Vice Ganda, PPOP Girl group na Bini, Marina Summers, Gloc 9, Sassa Gurl, Juan Karlos, bandang Ben & Ben at marami pang iba.

Photo Courtesy: Quezon City Government/Fb

Ngayong taon sentro raw ng naturang selebrasyon ang wakasan ang anumang uri ng diskriminasyon at pang aabuso na kanilang nararansan dahil sakanilang Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC).

“Sa espesyal na buwan na ito binibigyang pugay natin ang husay at galing ng bawat indibidwal na miyembro ng LGBTQIA+ community na aktibong nakikilahok sa pagpapaunlad ng ating lipunan,” saad ni Mayor Joy Belmonte sa isang press conference.

“Ang Quezon City ay matagal ng tahanan ng pagkakapantay pantay at paglaban sa karapatan ng ating mga kapatid mula sa rainbow community.” dagdag pa ng alkalde.

Sabi naman ng PRIDE PH na inaasahan nilang ngayong taon dodoble raw ang bilang ng LGBTQIA+ Community na makikibahagi sa selebrasyon.

“Were expecting aroung 150,000 to 200,000 attendees this year, noong initially na nagpa-plano pa lang tayo but because of the increase also of the sign up were expecting 200,000,” sabi ni Pride Ph convenor Vince Liban.

Tiniyak naman ni QCPD PBGEN Red Maranan na nasa 2,000 kapulisan ang kanilang idedeploy para sa naturang araw.

“Will be deploying more than 2,000 personnel to secure the event, as far as the other security conecrn, wala na ano meron lang tayong single security plan na ipatutupad.” saad ni Maranan.

Isa rin sa magiging highlights ng naturang araw ang kauna-unahang Graduation rights, kung saan may pagkakatong grumaduate ang mga miyembro ng LGBTQIA+ na suot ang kanilang mga nais na irepresenta.

Samantala dahil sa aktibong pakikibahagi ng QC tuwing pride month kabilang na ang pagsasagawa nila ng malalaking aktibidad tinagurian ang kanilang lungsod bilang biggest pride event sa buong Southeast Asia.

Kabilang sa mga nagawa ng programa ng lungsod na para sa rainbow community ang pagpapasa ng mga ordinansa gaya ng gender fair ordinance, paglulunsad ng kauna-unahang right to care card sa buong bans at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this