Nabigo ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin si televangelist Pator Apollo Quiboloy sa kanyang tatlong property sa sa ikatlong pagkakataon sa Davao City.
Ayon sa naganap na press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na sabay-sabay nilang hinain ang mga arrest warrants sa mga bahay at mga PROPERties ni Quiboloy kahapon, June 10, 2024.
Kasama rito ang pinamumunuang Kingdom Of Jesus Christ (KOJC) ni Quiboloy na matatagpuan sa Prayer Mountain sa Barangay Tamayog.
Hiniling ni Fajardo na sumuko na sa mga awtoridad si Quiboloy upang harapin ang mga kaso laban sa kanya habang inaantay ang outcome ng operation report.
“We appeal to Pastor Quiboloy to turn himself in to authorities so he can answer the charges against him,” ayon kay fajardo.
Giit nya kasabay ang panawagang kumalma ang supporters ng pastor upang hindi makaabala sa mga operasyon ng PNP.
“The PNP is implementing a warrant of arrest and their presence there is in accordance with the law. Please help us, the last thing the PNP wants is to raise tensions,” paliwanag niya.
Ang naturang operation sa Davao City ay indikasyon na si Quiboloy ay nasa loob pa ng bansa.
Dagdag ni Fajardo, walang inidkasyon mula sa Burea of Immigration na nakalabas na ng bansa ang naturang pastor.
“There’s no confirmation or validation from BI (Bureau of Immigration) that he has left the country,” dagdag pa nito.