Manila, Philippines — Nilabas na ng International Criminal Police Organization (Interpol) ang red notice laban sa wanted na gaming tycoon na si Charlie ‘Atong’ Ang, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Ayon kay Remulla, noon pang lunes inisyu ng Interpol ang red notice laban kay Ang.
Sa pamamagitan ng red notice, lahat ng kapulisan sa buong mundo ay nakaalerto na, nang sa gayon ay mapabilis ang paghuli sa pugante.
Buwan pa ng enero ng hilingin ng Criminal Investigation and Detection group (CIDG) ng Philippine National Police ang red notice sa interpol.
Pagkaraang ilabas ng korte ang warrant of arrest laban sa kanya.
Si Atong Ang at ang iba pa niyang kasabawat ay wanted dahil sa kasong kidnapping at homicide dahil sa pagkawala ng mga sabungero.
Batay sa huling impormasyon ng DILG, huling namataan umano si Ang sa Region 4A-Calabarzon, ngunit bigo pa rin ang otoridad na makita kita.
Sa pagtataya ng mga otoridad, umaabot lamang si ang ng tatlo hanggang limang araw sa isang lugar para makaiwas sa arrest warrant.—Krizza Lopez, Eurotv News