Manila Philippines – Inilipat sa buwan ng Oktubre ang dapat sanang nakatakdang rehabilitasyon ng Magallane Flyover ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na dapat munang tapusin ang pagsasaayos ng EDSA-Kamuning flyover na bahagyang sarado.
Sinabi ni Artes na ang nakatakdang pagsasara ng Magallanes flyover ay mula 10 p.m. hanggang 5 a.m.
Samantala, magsisimula sa Setyembre ang pagtatayo ng pansamantalang tulay habang sumasailalim sa pagsasaayos ang Guadalupe Bridge.
Sa mga nakatakdang pagsasaayos ng tulay na ito, pinayuhan ni Artes ang publiko ng posibleng mas mabigat na trapiko kung saan maaaring magbigay ang ahensya ng mga alternatibong ruta.