RESIDENTIAL POWER RATE SA DAVAO CITY, BABABA SA HUNYO

DAVAO,CITY – Inaasahang bababa ang residential power rate sa Davao City ng halos Php3.00 sa Hunyo 2024.

Magpapatupad ang Davao Light and Power Company (DLPC) ng pagbaba sa residential electricity rate, pumapatak sa Php2.82/kWh. Ito ay para sa panahon ng pagsingil mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 11.

Mula sa Php10.7608/kWh noong Mayo 2024, bababa ito sa Php7.9372/kWh sa Hunyo. Kaya naman, ang isang sambahayan na kumukonsumo ng 200 kilowatt na oras kada buwan ay makatitipid ng P564.72.

Ang pagbaba sa rate ng kuryente ay bilang pagsunod sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Gayunpaman, sinabi ng DLPC na inaasahang tataas ang mga generation rate sa susunod na tatlong buwan dahil sa staggered payment ng WESM charges.

Hinimok nman ng DLPC ang lahat ng power consumers na pamahalaan ang kanilang pagkonsumo sa enerhiya at gamitin nang wais ang kuryente upang maiwasan ang mataas na singil sa kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this