BAGUIO CITY, Philippines — Patuloy ang isinasagawang sandbagging operation sa landslide-affected area ng Guisad Surong, Baguio City ngayong Setyembre 15, 2026, bilang hakbang upang patatagin ang lugar at maiwasan ang karagdagang pagguho ng lupa.
Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), ang pagpapatuloy ng operasyon sa lugar na naapektuhan ng landslide noong Agosto dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Typhoon Maymay at habagat.
Layunin ng sandbagging na mabawasan ang erosion o pagguho ng lupa at maprotektahan ang mga kalapit na komunidad mula sa posibleng karagdagang panganib.
Matatandaan nooog August 9, 2026, 10 katao ang nasawi at tatlo ang nailigtas, habang tatlong kabahayan ang natabunan ng lupa dahil sa nangyaring landslide sa nasabing lugar.
Nangako rin ang mga residente ng apektadong komunidad na makikiisa sa pagpapatupad ng mga safety measures upang mapanatili ang kaligtasan sa kanilang lugar matapos ang kanilang pakikipagpulong kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
“In an earlier meeting with Mayor Benjamin B. Magalong, residents of the affected community also committed to implement saefety measures to help protect their neigborhood,” ani Baguio City Public Information Office. — LJ Buhay, Contributor