SIMBAHANG KATOLIKO DISMAYADO SA PAGKAKALUSOT NG DIVORCE BILL

MANILA, PHILIPPINES – Matapos lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang batas na naglalayong gawing legal sa Pilipinas ang Diborsyo para sa mga mag-asawa na may kinahaharap na problema at nais ng maghiwalay, nagpahayag ng pagkadismaya ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa naging desisyon ng mga mambabatas na pumabor dito.

Sa inilabas na pahayag ng CBCP , sinabi ni Tagbilaran Diocese Bishop Alberto Uy na ang Divorce ay nakasisira sa banal na pag-iisang dibdib o pagpapakasal.

“We are deeply saddened by the decision of 126 lawmakers in Congress to vote ‘yes’ to the Divorce Bill,” Sinabi ni Bishop Uy

(Lubos ang aming kalungkutan sa naging desisyon ng 126 na mambabatas sa kongreso na bumoto ng ‘yes’ sa Divorce bill.)

“faithful to join in “praying for the senators “that they may be guided to make the right decision and not pass the Divorce Bill in the upper house.” dagdag pa nito

Una ng sinabi ng mga Obispo na ang diborsyo ay hindi sagot kung may pinagdadaanang problema ang magkarelasyon.

May umiiral na rin daw na legal na solusyon kaya’t ang tuluyang pagkakapasa nito bilang batas ay hindi na raw kailangan.

Samantala, una ng iginiit ng mga mambabatas na ang absolute divorce bill ay sagot sa mga mag-asawang tuluyan ng nasira ang relasyon na gusto ng kumawala sa pagkakatali nilang dalawa sa pamamagitan ng kasal.

Sa ilalim ng naturang panukala, papayagan lamang ang divorce sa mga mag-asawa kung sangkot na sa kanilang relasyon ang drug addiction, physical abuse, marital infedelity, psychological in-capacity at iba pa.

Sakop din ng panukala ang pagpapabilis sa proseso ng pagpapawalang bisa ng kanilang kasal.

Ang dalawang mag-asawa rin na limang taon nang hiwalay ay pwede rin na kumuha ng diborsyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this