SOGIESC BILL, NAIS MAIPASA SA SENADO NI HONTIVEROS

Manila, Philippines- Malaki daw ang pag-asa ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na maipapasa ang Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, o Sex Characteristics (SOGIESC) Equality bill sa ilalim ng bagong pamunuan ng Senado.

Sinabi ni Hontiveros na hiniling niya kay Senate Majority Leader Francis Tolentino na tingnan ang ulat ng komite at nangako umano ito na gagawin.

Ang panukalang batas ay nakabinbin sa Committee on Rules, na pinamumunuan ngayon ni Tolentino, mula noong Peb. 8, 2023.

Ayon pa sa Senadora sana raw na ang bagong liderato ng senado ay tumindig para sa mga LGBTQIA+community.

Dagdag pa sa pahayag nito na labing-siyam (19) na umano sa kanyang colleagues ang lumagda na sa commitee report ng SOGIESC Equality Bill.

Ang Pilipinas ay nananatiling nangungunang bansa sa Asya para sa Gender equality, na may 79.1 porsiyentong gender parity, ayon sa 2023 Global Gender Gap Index Report.

Ang bansa ay umabante ng tatlong posisyon sa ika-16 na puwesto sa buong mundo sa mga tuntunin ng gender equality, mahusay na pakikilahok sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan, at pagbibigay-kapangyarihan sa pulitika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this