KAMPANYA PARA SA KAUNA-UNAHANG BARMM PARLIAMENTARY POLLS, WALANG NAITALANG TENSYON — COMELEC CHAIR

BARMM, Philippines — Nagsimula na ang panahon ng kampanya para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) noong July 30, 2026.

At sa nakalipas na linggo magmula ng campaign period, Ipinagmalaki ni Commission on Election Chairperson Atty. George Erwin Garcia na walang naitatalang mabigat na kaso ng election-related violence sa kabuuan ng rehiyon ng BARMM. 

Ikinatuwa rin ni Garcia ang unti-unting pagbaba ng mga lugar na nasa red category. 

Batay sa datos, 27 lugar na lamang mahigpit na binabantayan ng mga otoridad dahil sa pagkakaroon ng recorded election-related violence.

Dagdag ni Garcia, sa ngayon walang ni isang lugar sa 105 munipalities at 2 cities sa bangsamoro ang kinokonsidera nilang isailalim sa Comelec control area.

Giit niya na masasabing sumusunod ang mga kababayan sa inilabas ng Comelec na kautusan para mapanatili ang kapakayaan at kaayusan habang nasa panahon ng kampanya at eleksyon ang Bangsamoro. 

Sa ngayon, mas pinaghahandaan ng Comelec ang mga posibleng pagtama ng kalamidad sa bangsamoro na maaaring magdulot ng matinding pagbaha sa ilang lugar.

Ani Garcia, kritikal daw para sa mga kapatid na Moro ang paglilipat ng polling precinct o paaralan, bilang pag-iingat na rin sa gulo ng ibang mga angkan. 

Samantala, inanunsyo rin ng chairperson ng election body ngayong araw ang oplan baklas ng Comelec sa mga illegal campaign material na hindi sumusunod sa patakaran ng eleksyon. 

Umaasa si Garcia na maging mapayapa ang proseso ng eleksyon ng kauna-unahang parlamentaryo ng Bangsamoro. 

Magtatagal ang election period sa bangsamoro hanggang September 12, 2026. 

Sa pagitan ng mga araw na ito, ipinatupad na ang gun ban sa buong rehiyon at ang mahigpit na security checkpoint ng Philippine National Police.

Sa ilalim ng Republic Act no. 12317, nakatakda ang Bangsamoro Parliamentary Election sa September 14, 2026.—Krizza Lopez, Eurotv News

OPAPRU CALLS FOR UNITED, PEACEFUL PARTICIPATION IN 1ST BARMM PARLIAMENTARY ELECTIONS

Manila, Philippines — Starting July 16, the election period and gun ban implementation will begin, as…

PEACE IN BARMM REMAINS STRONG AMID BPE DELAY, SAYS OPAPRU

Manila, Philippines – The first-ever Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections is easily…

BICAM REPORT SA POSTPONEMENT NG BARMM ELECTIONS, PINAGTIBAY NA NG SENADO

Manila, Philippines — Makaraang maaaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado, na-ratify na rin ng…