PANGULONG MARCOS NANAWAGAN NG PAGKAKAISA SA BARMM ELECTIONS; HINIKAYAT ANG MATALINONG PAGBOTO

Manila, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kwalipikadong botante sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na makilahok sa makasaysayang unang pambansang halalan para sa Bangsamoro Parliament.

Nanawagan din ang Pangulo sa lahat ng sektor na panatilihin ang kapayapaan at pagkakaisa upang matiyak ang maayos at mapayapang pagsasagawa ng halalan.

Binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng matalinong pagboto at responsableng paggamit ng karapatang panghalalan. 

Hinimok niya ang mga botante na suriin nang mabuti ang kanilang mga kandidato at gamitin ang kanilang boto para sa kapakanan ng buong Bangsamoro.

Hiniling din ng Pangulo sa mga botante na pangalagaan ang integridad ng bawat balota at tiyaking magiging maayos, malinis, at mapayapa ang proseso ng halalan.

Ayon kay Marcos, mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa pagbuo ng isang mas matatag, mapayapa, at maunlad na Bangsamoro at bansa.

Share this