COMELEC, BINABANTAYAN ANG PANANABOTAHE SA MGA BALOTA SA MALUSO, BASILAN KASABAY NG BARMM ELECTION 

Manila, Philippines — Binabantayan at hinahanap ng Commision on Elections (Comelec) kung sino ang nasa likod ng mga pre-shaded na balota sa Maluso, Basilan, kung saan mahigit 16,000 na mga balota ang sinabotahe. 

Sabi ni Chairperson George Erwin Garcia, ito ay isang election offense at isang kaso ng electoral sabotage case.

Dagdag niya, kahit ano man ang posisyon ng may sala ay hindi ito palalagpasin ng Comelec, matapos tiyaking kakasuhan ang sinumang nasa likod ng pananabotahe. 

Batay sa ulat, humigit-kumulang 16,653 na balota para sa BARMM election sa Maluso, Basilan ang pre-shaded. 

Dahil sa insidente ang pananabotahe sa naturang lugar, nag-utos na ang si Garcia na muling maglimbag ng parehong bilang ng balota sa National Printing Office.

Dagdag pa niya, mabuti at naiulat ito kaagad sapagkat mayroong protocol na angkop para sa ganitong sitwasyon.

Inutusan na rin ni Garcia ang kanilang mga tauhan para ipalaam sa mga miyembro ng Electoral Boards (EBs) at mga botante tungkol sa pagkaantala ng pagboto. 

idineklara na ring kontrolado ng Comelec ang bayan ng Maluso, Basilan. 

Isinasaalang-alang ang electoral sabotage case bilang isang special election offense, kung saan ito ay may parusang habang-buhay na pagkakabilanggo.

Sa kabila nito, ang election offense ay may parusa na isa hanggang anim na pagkakabilanggo, pagkawala ng karapatan na bumoto, at pagtanggal ng karapatan sa paghawak ng katungkulang pampubliko (PNA).—Ashley Caraboto, Contributor

Share this