TENSION SA WPS, NAKATAKDANG TALAKAYIN NI TEODORO SA SINGAPORE DIALOGUE

Manila Philippines — Nakatakdang talakayin ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang sighalot sa West Philippine Sea (WPS) sa darating na ika-21 edisyon ng International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Inaasahan naman makikipagkita si Teodoro at iba pang mga senior officials ng Pilipinas sa kanilang counterparts sa nasabing dayalogo.

Si Teodoro ay isa sa mga makakasama Pangulong Ferdinand Marcos na nakatakda ring magbigay ng pahayag sa pagsisimula ng Defense Forum sa Asia, magaganap sa May 31 hanggang June 2.

“[T]he President is expected to discuss before the 2024 Shangri-La Dialogue participants and audience, and the international community at large, the position of the Philippine government on various security, defense, and diplomatic challenges and concerns confronting the Philippines and the region,” ani Teodoro sa isang pahayag.

RELATED: WIRETAPPING INCIDENT, NAIS PAIMBESTIGAHAN SA SENADO

Ayon pa kay Teodoro, nagsisilbi aniyang mahalagang entablado ang naturang dayalogo upang matalakay ang mga magkakaibang posisyon sa maraming isyu, mga kinahaharap at mga panibagong alalahanin.

Aminado ang kalihim na patuloy ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa South China Sea sa mga nakalipas na buwan.

Kabilang na riyan ang mga delikadong pagmamaneobra, pamboboma ng water cannon at panunutok ng military-grade laser sa mga barko ng Pilipinas sa bahagi ng WPS.

At ang pinakabagong unilateral fishing ban ng China sa karagatang patuloy nitong inaangkin kahit pa pasok na ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Patuloy naman ang paghahain ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplimatikong protesta laban sa mga ilegal na aktibidad ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this