ISA PANG CEBU STALWART, BUMITAW NA BILANG PDP-LABAN CHAIRMAN

Manila Philippines — Bumitaw na sa pwesto bilang Party Chairman at bilang miyembro ng Partido Demoktratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan.

Sa pahayag ni Chan sa kanyang social media post, hindi naging madali para sa kanya ang magdesisyon na bumitaw sa posisyon.

Pero giit niya ito ang nakikita niyang ikabubuti ng kanyang lungsod upang mapanatili ang pagkakaisa sa buong probinsya ng Cebu.

“I have made this difficult decision to resign because I believe it is in the best interests of Lapu-Lapu City to maintain unity with the tri-cities and the province of Cebu. Although Lapu-Lapu City is a highly-urbanized city, we are inter-dependent and inter-connected as One Cebu Island, thus, I firmly believe that we must work harmoniously and strengthen our relationship with our neighboring local government units,” sabi ni Chan sa isang liham.

Una nang bumitaw sa partido si Cebu Governor Gwen Garcia at sinundan ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes.

Naging epektibo ang resignation ni Garcia noong May 28, at sinundan niya ito Cortes nang sumunod na araw.

Dalawang araw ang nakalipas noong magresign naman si Chan.

Itinuturing na tri-cities ng ay Cebu, Mandaue at Lapu-lapu na pinamumuhan ng mga prominenteng leader sa probinsya.

Matatandaang sinampahan ng kaso ni suspended Cebu City Mayor Michael Rama si Gov. Garcia sa Office of the President dahil sa umanoy pagpapatigil nito sa konstruksyon ng mga Bus terminal sa Cebu.

Nananatili namang Vice President sa Visayas ng PDP-Laban si Rama.
 

RELATED: LAKAS-CMD, PFP JOIN FORCES PRIOR TO 2025 MIDTERM ELECTIONS

Ang PDP-Laban ay nananatiling ruling party ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte, ito rin ang partidong dala ng kanyang anak na si Vice President at Education Secretary Sara Duterte noong 2022 national elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this