MANILA PHILPPINES – Ikinukunsidera ni Dating Senator Antonio Trillanes bilang national security threat ang mga duterte kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na tatakbo ang mga kapatid nito at si dating PRRD sa darating na 2025 eleksyon.
Hinihikayat ngayon ni Trillanes ang aniyay pink movement na magkaisa para hindi makapasok sa senado ang mga duterte dahil baka maulit raw ang nangyari noong nakaraang administrasyon.
Bukod raw kasi sa anyay mafia politics ng pamilya duterte hindi nito prayoridad ang pag angat ng buhay ng mga Pilipino.
Anya niluluto rin ng kanilang grupo ang tatlong kakandidato para tumakbo sa senatorial slate sa 2025.
Sinabi rin nito na hindi sila kabilang sa liberal party na una nang nabuwag.
“Hindi naman kami liberal party no, …. i think yung liberal party kasi…talagang nag shrink na. by choice, at itong isyu ngayon kung anong mangyari duon sa pink movement na tinatawag ‘iyan ay palagay ko mag re re-emerged after the 2025 election under the leadership of Senator Risa Hontiveros,” ayon kay trillanes.
Tinanong ng media kung may planong bumalik sa national politics si Trillanes kasunod ng kanyang interest na tumakbo bilang alkalde ng Caloocan City na tinawag nitong bagong porma ng public service.
“But …part of the reason siguro medyo na burn out tayo duon sa national politics the past 6 years, ..matinding bugbugan e, adminsitrasyon ‘so tignan natin,” dagdag nito.
Dapat na rin anyang mag isip ang ilang political group sa bansa na bumuo ng tactical alliance kahit pa ang kasalukuyang administrasyon at Pink Forces para mapigilan ang duterte na makapasopk sa senado.
Kaugnay naman sa mga alegasyon nito sa pamilya duterte hindi raw syaa maaring kasuhan ng mga ito sa umanoy pagsasabi ng totoo.
“alam nyo 6 years konang sinasabi ito, and i was proven right ano, the fact that hindi nya nga ako makasuhan kasi alam nyang totoo, iyong sinasabi kong nakipag partenr sya sa druglord itong si Micheal Yang, e di ngayon iniimbestigahan,” sabi ng dating senador.