MANILA PHILIPPINES – Dahil sa mga hindi matatawarang suporta at tulong ng United Arab Emirates sa Pilipinas kakaibang basketball court artwork na nagpapakita ng mga imahe ng mga lider ng UAE ang binuksan sa iconic Lope De Vega basketball court sa Maynila.
Layon nito na ipakita ng ilang indibidwal ang kanilang pasasalamat sa tulong na ipinagkakaloob ng UAE sa twing may mga sakunang nangyayari sa bansa.
Bukod kasi sa tinatayang pitong daang libong OFW na nagtatrabaho sa kanila namamahagi rin sila ng mga foodpacks sa twing may kalamidad na nangyayari sa Pilipinas.
READ: LOPE DE VEGA COURT IN MANILA
Kabilang rito ang nasa mahigit 50 tons ng humanitarian aid na ipinagkaloob ng bansa sa mga apektadong pamilya noong nag aalburoto ang Bulkang Mayon sa Albay.
Dagdag pa rito ang donasyon ng UAE na 100,000 COVID-19 vaccines, RT-PCR machines.
Ang artist ng naturang artwork hindi raw naging madali ang pagpinta dahil sa anyay mga konting problemang nakaharap nya nuong ipinipinta nya ang disenyo.
Ang kapitan naman ng BRGY masayang ibinahagi na napili ang kanilang Brgy para duon ipinta ang disenyo itoy dahil na rin sa ibat ibang mga Liga ang ginaganap duon na para sa mga kabataan.
Samantala ayon naman kay Manny Hwang ang syang may inisyatibo ng proyekto, isa lamang ito sa mga marami pa nilang gagawing artwork kung saan ipipinta ang ibat ibang lider ng UAE bilang pagpapakita ng suporta at pasasalamat para sa magandang relasyon ng Pilipinas at naturang bansa.