UNANG ARAW NG TIGIL-PASADA NG GRUPONG MANIBELA, ISINAGAWA

QUEZON CITY, PHILIPPINES – Nagsimula na ang unang araw ng tigil-pasada ng transport group Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (MANIBELA) sa harap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) main office sa Quezon City, noong Martes, (June 10).

Pasado alas-nuwebe ng umaga nang sinimulang itaas ng mga miyembro ng MANIBELA ang kanilang placards kasabay ang pagsigaw ng kanilang hinaing na itigil ang jeepney phaseout.

Ayon kay MANIBELA Chairperson Mar Valbuena, gusto nilang ipakulong si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, dahil umano sa pang-gigipit nito sa mga tsuper.

Matatandaang sinabi ni Valbuena nais nilang magkaroon ng jeepney prototype sa tulong ng mga local manufacturers na maipantatapat sa standard ng gobyerno.

READ: LTFRB TO WAVE DOWN UNCONSOLIDATED PUJ ON MAY 16

NEWS REPORTER, KINUYOG NG MGA MIYEMBRO NG MANIBELA

Samantala, sa kasagsagan ng kilos-protesta, isang news reporter ng DZRH na si Val Gonzales ang kinuyog ng mga rallyista matapos umano nitong murahin ang mga miyembro ng MANIBELA.

Ayon kay Gonzales, dalawang beses siyang sinuntok sa tagiliran at likuran saka biglang kinuyog ng grupo.

“Bago ‘yun nag-usap usap sila, bago ako mag-report. Kaya kitang-kita ko na sila noong ako’y nakatalikod doon nila ako sinugod.” giit ni Gonzales.

Dinepensahan naman ni Valbuena ang kanyang grupo. Giit ng chairman, mismong si Gonzales ang naunang mang-udyok sa grupo ng transportasyon.

“Si Gonzales ang naunang nag-provoke sa aming hanay matapos niyang pagsalitaan at murahin ang mga miyembro ng Manibela na dapat umano’y ipakulong ang aming hanay dahil sa abala bago siya umere sa kanilang programa sa DZRH,”

Magtatagal pa ang tigil-pasada hanggang sa Araw ng Kalayaan sa June 12, 2024 bilang pagtutol ng grupo sa panghuhuli ng LTFRB at MMDA sa mga unconsolidated jeepneys na hindi nakiisa sa programa ng gobyerno- Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

READ: SENATOR URGES TRANSPORT DEPT TO LEASE MODERN PUV TO COOPERATIVE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this