Manila, Philippines – Binisita ni Department of Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez ang Air Traffic Management Center ng Civil Aviation Authority (CAAP) bilang paghahanda saa nalalapit na Undas.
Nag-inspeksyon ngayong araw ng Martes si Lopez para tiniyakin na pagiging maayos at hindi magkakaroon ng abala para sa mga kababayan na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Nabanggit ng kalihim ang nangyaring technical glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong June 1, 2023, kung saan naranasan ng mga magbabakasyon ang grabeng delay flight.
“We checked the redundancy, among others. Siguraduhin lang natin na hindi na mauulit ang nangyari dati para wala ng mga pasahero na maaabala lalo na mula Undas hanggang sa Pasko at Bagong Taon,” hayag ni Lopez.
Inutusan ni Secretary Lopez ang CAAP na magsagawa ng mahahalagang hakbangin para sa pagkukumpuni at pag-upgrade ng ATMC.
Sa kanyang inspeksyon, napag-alaman ng opisyal na nakapagsagawa na ang CAAP ng mga hakbangin, para matiyak na walang redundancy na mangyayari sa Communication, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management.
Bumili rin ang CAAP ng uninterrupted power supply (UPS) unit para CNS/ATM nito, para maiwasan ang kawalan ng kuryente.
Noong January 1, 2023, naranasan ang blackout sa Paliparan, lubos nitong naapektuhan CAAP ATMC na siyang nagmomonitor ng inbound at outbound flights maging ang overflights sa Philippine Airspace.
Nawalan ang ATMC ng communication, radio, radar, at internet dahil sa blackout.—Krizza Lopez, Eurotv News